Miyerkules, Abril 20, 2022

AKIT REimagined (COMMISSION #1)

TUKSO SERIES I

AKIT

Written by: Cxhase02


•••


AKIT 

REIMAGINED


INTRODUCTION


•••




“Mahal, pupunta lang ako ng building 3. Kailangan kasi nila ng tulong ko.” Malambing na pagpapaalam ni Sky sa nobyo niyang si Miggy habang may kausap ito.


“Sige, Mahal. Susunod ako.” Nakangiting tugon naman ni Miggy sa kasintahan niya.


Lumapit muna si Sky sa nobyo niya saka ito hinalikan sa pisngi.


“Alis na ako, Ace.” Pagpapaalam rin niya sa kausap ni Miggy.


“Sige, Sky.” Simpleng tugon ni Ace rito.


Sinundan ni Miggy ng tingin ang likuran ng kasintahan habang naglalakad ito papalabas ng gym. 


Saka lang niya ibinalik ang atensyon sa kausap nang mawala na si Sky sa kanyang paningin.


“Sa katunayan Bro, ikaw ang pakay ko. Malaki ang potential mo sa larong badminton. Kaya gusto sanang kitang e-recommend sa coach namin para sa line-up ng university natin.” Alok ni Ace sa kanya.


Napatahimik naman si Miggy habang pinag-iisipan ang alok ni Ace sa kanya.


‘Hindi naman siguro masama kung itutuon ko ang atensyon ko sa sports.’ Ani ni Miggy sa kanyang isipan.


“Sige bro, gusto kong subukan.” Tugon niya na nagpangisi kay Ace.


‘Nice.’ Nagagalak na ani ni Ace sa isipan.


“Good choice, Bro. Kita tayo rito sa Friday ng hapon.” Nakangiti niyang wika kay Miggy habang tinitignan ang buong katawan nito gamit ang kanyang mga mapanuring mata.


“Noted, Bro.” Pagsang-ayon naman ni Miggy sa itinakda niyang oras saka pinulot nito ang bag na inihanda ng kasintahan nito bago umalis.


“Goodluck sa next game mo, Bro.” Nakangiting sabi sa kanya ni Miggy nang marinig nila ang tawag ng kaklase niya. Magsisimula na daw ang next game niya.


“Thanks, Bro. See you on Friday.” Wika ni Ace.


“Welcome. See you too, Bro.” Nakangiting ani ni Miggy saka ito tumalikod at nagsimulang maglakad papalayo mula sa kanya.


Habang pinagmamasdan ni Ace ang papalayong pigura ni Miggy ay hindi niya mapigilan ang mapangisi at mapakagat sa kanyang ibabang labi dahil sa kanyang mga naiisip na gagawin rito.


‘Magiging masaya to.’



End of INTRODUCTION



Want to read the rest of the story?

Contact the author through his accounts.


Twitter: cxhase.wp

Facebook: Cxhase

Email: cxhase.wp@gmail.com


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

KABANATA 5: SA BISIG NI GEORGE