VERDANTIA SERIES
“SEKRETO NG KAHARIAN SA HILAGA”
Written by: Cxhase02
•••
KABANATA 4
PANAGINIP
•••
3rd POV
Tahimik at tanging ang pagliyab lamang ng panggatong sa apuyan ang nagbibigay huni sa paligid ng anim na prominenteng barako ang seryosong nakaupo paligid ng isang mahabang lamesa.
Isa’t isa sa kanila ay malalim ang iniisip. Matataas ang kanilang ranko sa kanya-kanya nilang larangan kaya malalaki ang pasan nila sa kani-kanilang mga balikat.
“Ibigay mo ang iyong ulat, Paul.” Pambasag katahimikan na wika ni Haring Grey.
Kasalukuyan itong nakasuot ng hapit na long sleeve polo na merong balabal sa kanang balikat nito. Kahit na simple lamang ang kasuotan, makikita parin sa itsura nito ang karangyaan at kapagyarihan.
“Masusunod po, Iyong Kamahalan.” Magalang na wika ni Paul saka ito tumayo at nagbigay sa limang kasamahan nito ng tag-iisang papel na may lamang impormasyon.
Si Paul Miller, ulo ng pangsuportang lakas. Siya ang nakatoka sa pangungulekta at pagbibigay ng impormasyon na nangyayari sa loob ng kaharian. Isa itong prominenteng opisyales ng Kahariang Ura lalong lalo na sa pandigmang aspekto.
Nakasuot ito ngayon ng pangbuong katawan na kapa dahil ang pangunahing katungkulan nito at ng grupo nito ay ang administratibong gawain.
Hindi sila nangunguna sa linyang pandigma, bagkus parati silang nasa huli at tinutulungan ang Hari sa pamamagitan ng mg impormasyon na nakakakalap ng mga ito.
Nang matapos bigyan ang Hari ng Ura at iba pang opisyales na kasamahan niya ay tumayo siya ng tuwid.
“Base sa aming pagsisiyasat, nagpapakita ng senyales ng pagkabitak at dahan-dahang pagkakagiba ang force field natin, Iyong Kamahalan.”
Mabilis na puminta sa mukha ng Hari ng Ura ang pagkabahala nang marinig niya ang paunang wika ni Paul.
“Salamat kay Lukas at napaurong nito ang tuluyang pagkakagiba ng ating force field. Pero kung titignan ang datos na aming nakalap, inaasahan na isang linggo lang ang lilipasin at muli na namang makakapasok ang mga masasamang elemento sa ating kahairan.” Dagdag na ani ni Paul.
“Yan po ang laman ng aking ulat, Iyong Kamalahan.” Magalang niyang panapos.
Natahimik ng saglit si Haring Grey habang pinoproseso ang kanyang narinig. Ganun rin ang iba pang kasamahan nito, na nag-iisip ng kung anong pwedeng gawin sa impormasyong inilahad sa kanila ni Paul.
“Ano ang maimumungkahi mong gawin natin bilang solusyon, Paul?” Tanong ng Hari.
Inilagay muna ni Paul ang papel na hawak niya saka binuksan ang kanyang bibig.
“Kailan na linggo-linggong pagtibayin ni Lukas ang ating force field nang sa gayun ay hindi malagay sa alanganin ang ating kaharian, Iyong Kamahalan.” Paglalahad niya ng kanyang mungkahi.
Mabilis na sumeryoso ang Aura ni Paul nang inilahad niya ang kanyang suhesyon. Alam nilang lahat ng nasa kwartong iyon kung ano ang nangyari kay Lukas matapos nitong gamitin ang kapangyarihan nito.
Kahit naninigas ang panga, ibinaling ni Haring Grey ang kanyang tingin sa iba niyang kasamahan sa lamesa at tinignan ang barakong nakasuot ng itim na tela na tinatabunan ang bibig at ilong.
“Arnold, ano ang masasabi mo sa inimungkahi ni Paul?” Tanong niya kay Arnold Evans.
Kalkuladong tinignan ni Arnold si Paul na seryoso ring nakatingin pabalik sa kanya. Matapos magsalo ng ilang segundong tinginan ay saka nito ibinalik ang tingin sa Hari ng Ura.
“Pareho po kami ng linya ng pag-iisip, Iyong Kamahalan. Walang ibang indibidwal sa kaharian natin ang may kayang impluwensyahan ang ating force field, si Lukas lamang.” Tugon naman nito.
Tumango naman si Haring Grey bilang pagkilala sa tugon nito saka muling ibinalik ang atensyon sa lalaking may suot na kapa.
“Maraming salamat sa iyong ulat, Paul.”
“Walang anuman po, Iyong Kamahalan.” Agad nitong tugon saka bumalik sa pagkakaupo.
Ibinaling ni Haring Grey ang kanyang atensyon sa barakong nakasuot ng kupas na puting shirt na tahimik lang na nakikinig sa kanila.
“Kamusta si Lukas, Grandmaster?” Tanong ni Grey sa katabi niya.
Si George ay ang pumapangalawa sa kanya sa ranko kung pandigma ang pag-uusapan. Ito ang Grandmaster sa hukbong pansandatahan ng kanilang kaharian.
Kahit na gusto nitong sumali sa harap ng kanilang hukbo ay hindi nito magawa dahil siya ang inatasan ni Haring Grey na maging tagapagprotekta ng kanilang tinawag na Santo.
“Hindi pa po nagigising si Lukas, Iyong Kamahalan. Mag-iisang araw na siyang walang malay.” Payak na tugon nito.
Kahit na kalmado lamang ang mukha nito, ramdam ni Grey na nababahala ang kababata nito sa kasalukuyang sitwasyon ng Santo.
“Inobserbahan ko ang kanyang lagay habang siya ay namamahinga, ngunit hindi ako nakakita ng senyales ng pagbabalik ng kanyang maputing buhok.” Dagdag nitong ulat.
Agad na nabahala ang limang lalaki nang marinig na nawawala parin ang tatak ng pagiging Santo ni Lukas, walang iba kundi ang malanyebe nito buhok.
Muling binalot ng katahimikan ang kwarto matapos nilang marinig ang ulat ni George at tahimik na napahilot ng sentido ang Hari ng Ura dahil sa kanyang narinig.
“Babalikan natin ang paksang ito kapag nagising sa ang ating Santo.” Pinal niyang wika.
Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi niya. Batid nilang wala silang magagawa hangga’t wala pang malay si Lukas, kaya hihintayin na muna nila ang pagbuti ng kalagayan nito.
“Christian at Harold, ano ang kalagayan ng mga mandirigma?” Pagbalin ni Grey sa iba pang opisyal na nasa lamesa.
Agad namang tumugon ang isa sa dalawang barako na may suot na baluti.
“Handa ang aming mga mandirigma sa kung ano mang sitwasyon, Iyong Kamahalan.” Puno ng kumpyansang wika ni Christian Brown.
“Nasa pwesto parin kami malapit sa force field, nakabantay sa kung anong pwedeng mangyari, Iyong Kamahalan.” Dagdag naman ni Harold Smith.
Napatango naman ang Hari sa narinig niya mula sa dalawa.
“Mabuti kung ganun. Wag niyong ibababa ang tindi ng pagbabantay sa force field kahit na naging maayos na ito. Hindi malabo na magkaroon muli ng asulto.” Pagpapaalala niya.
Mabilis namang sumagot ang dalawang lalaki ng sabay. “Masusunod po, Iyong Kamahalan.”
Nang matapos ang ulat ng taliba ng kanilang pandigmang grupo ay tinignan ni Haring Grey ang ulo ng tagapagsayat na grupo.
“Arnold, magbigay ka ng iyon ulat.” Utos niya sa barakong may suot na itim na tela sa mukha.
“Nilibot ng aming grupo ang parte ng itim na kagubatan na pwede naming mapuntahan at wala kaming nakitang kakaiba, Iyong Kamahalan.” Pauna nitong wika.
Ngunit mabilis na sumeryoso ang ekpresyon ni Arnold bago niya dugtungan ang kanyang ulat.
“Pero kahit na ganun, may nararamdaman akong malakas at mapanganib na presensya na nanggagaling sa mga lugar na hindi namin naisasali sa aming pagsasayat.” Paglalahad nito ng suliranin.
Habang tinatahak ng kanilang grupo ang kadalasan nila na rutina ay may nasagap si Arnold na presensya sa loob ng gubat.
Hindi iyon gumagawa ng kung anong aksyon, tila ba naghihintay ito.
“Wag kayong magpakampante sa pagsasayat ninyo. Kapag meron kayong makasalubong o matagpuan na malakas na nilalang, unahin ninyo ang inyong kaligtasan at bumalik muna sa kaharian.” Abiso ni Haring Grey sa kanya.
Agad naman na tumango si Arnold bilang pagsang-ayon sa sinabi ng Hari. “Masusunod po, Iyong Kamahalan.”
“Bago ko tapusin ang ating pagpupulong, may anunsyo akong ibibigay. Pero bago iyon, may itatanong muna ako Paul.” Wika ni Haring Grey.
“Ano po iyon, Iyong Kamahalan?” Agad naman responde ni Paul.
“Tumila na ba ang pagbugso ng nyebe sa loob Kaharian?”
“Meron paring panaka-nakang pagpasok ng nyebe pero mas bumaba na ang intensidad nito kung ikukumpara nung hindi pa naisaayos ni Lukas ang force field.” Tugon naman ni Paul rito.
“Mabuti kung ganun.” Satispadong ani ni Haring Grey na naging dahil upang magtaka ang kanyang mga kasamahan.
Nang matapos mag-ulat ang lahat ng katas-taasang indibidwal sa kanya-kanyang grupo ay inanunsyo ni Haring Grey ang kanyang desisyon.
“Habang wala pang kasiguraduhan sa sitwasyon ng ating force field pigilan muna ang pagkakalat ng salita na nandito si Lukas.” Pauna niyang wika.
Seryoso niyang tinignan sa mga mata ang bawat isa sa mga opisyales na nasa lamesa saka siya muling nagsalita.
“Tayo-tayong mga mandirigma lang muna dapat ang nakakaalam ng kanyang presensya.”
“Masusunod, Iyong Kamahalan.” Sabay-sabay na tugon ng kanyang mga nasasakupan.
“Maari na kayong umalis.” Sunod niyang wika.
“Maraming salamat, Iyong Kamahalan.” Rinig ni Haring Grey na tugon ng mga barako saka sabay-sabay na tumayo mula sa mga upuan nito.
“Grandmaster, maiwan ka muna saglit.” Pagpigil niya kay George.
Agad rin namang umupo muli si George sa silya nito at tahimik na pinagmasdan ang iba na lumabas ng kwarto.
Nang marinig nila ang pagsarado ng pinto ay saka pa nagsalita si George.
“Anong meron, Grey?” Seryosong tanong nito sa kababata.
“Tungkol kay Lukas. Makinig ka ng mabuti sa sasabihin ko, George.” Seryoso nitong ani.
Huminga muna ng malalim si Grey bago niya nagsalita.
“Wag mong iiwanan si Lukas ng mag-isa at umalis ka lang kung kinakailangan. Sa oras na gigising na siya, maghanda ka sa mga iuutos niya.”
Matalim na tinignan ni Grey sa mga mata ang kanyang kaibigan bago niya dinugtungan ang kanyang sasabihin.
“Dapat lahat ng gusto niya, ibibigay mo ng walang tanong. Naiintindihan mo ba?” Pagbibigay diin niya rito.
Maraming tanong ang pumasok sa isipan ni George nang marinig niya ang sinabi ng Hari. Gusto niya sanang magtanong, ngunit nakikita niya sa mga mata nito ang pagiging desperado at kaguluhan sa isipan nito.
“Sige, naiintindihan ko.” Pagsunod niya sa utos nito.
Agad namang napangiti ang Hari sa naging tugon ng kababata nito.
“Maraming salamat, George.” Taimtim niyang pasasalamat rito.
“Walang anuman, Grey.” Sagot naman ni George sa kanya.
“Pwede ka nang umalis.”
Nang naiwan si Haring Grey sa kwarto ay muli niyang inalala ang kanyang natuklasan nung nakaraang gabi na nagtulak sa kanya upang utosan si George ng ganun.
FLASHBACK (GREY’S POV)
Habang nakaupo sa kanyang silya ay kinuha ni Grey ang makalumang libro na nasa loob ng maliit na kabinet sa lamesa niya.
Gambil parin sa kanyang alaala kung papaano nawalan ng malay si Lukas at ang pagkawala ng puting kulay sa buhok nito kani-kanila lamang.
Agad niyang binuklat ang libro at pinuntahan ang pahina kung saan niya nabasa ang summoning ritual para sa isang Santo.
Tama lahat ang nabasa niya sa libro at ang pagdating ni Lukas sa kanilang kaharian ang pruweba nun.
Ang hindi lamang maintindihang ni Grey ay kung bakit wala sa libro na mangyayari ang nangyari kanina kay Lukas matapos nitong gamitin ang kapangyarihan nitong taglay.
Nang sinuri niya ng maigi ang mga pahina ay may napansin siyang kakaiba.
“Pinunit ba’to?” Nagtataka niyang tanong habang hinahawakan ang maliit na papel ng kasunod na pahina ng summoning ritual.
Tanging ang pinakadulo na lamang na parte ng pahina ang natitira kaya limitadong pahayag lamang ang nababasa ni Grey.
‘Do not resist to the acts of an awakened summoned Saint, they are acting on their instinct and might die if stopped.’
Basa niyang sinaunang lengguwahe galing sa punit na pahina ng libro.
Hindi agad naintindihan ni Grey ang pinapahiwatig ng kanyang nabasa at kinailangan pa niya iyong intindihin at isulat sa kanyang gamit na salita ang kaalaman niya tungkol sa sinaunang lengguwahe.
Matapos ang anim na oras ay sa wakas, naisulat na niya ang buong pahayag sa sarili niyang wika.
“Huwag pigilan ang gagawin ng kagigising na tinawag na Santo, umaakto lamang sila sa kanilang instinto at ikamamatay nila kung pipigilan sila.”
Natahimik, natulala, at napahilot na lamang si Grey sa kanyang sentido matapos mabasa ang kanyang inisulat na pahayag.
END OF FLASHBACK
--
LUKAS’ POV
Nang ibuka ni Lukas ang kanyang mga mata ay nakita niya ang kulay bughaw na langit pinapalamutian ng maliliit na grupo ng ulap.
Mabilis siyang bumangon mula sa pagkakahiga at inilibot ang tingin sa paligid.
Berde at puno ng sari-saring bulaklak ang kapatagan na kasalukuyuang kinaroroonan niya.
“Nasan ako?” Nagtataka niyang tanong.
Imposibleng nasa Kahariang Ura siya dahil Winter ang panahon ng lugar na iyon. Base sa simoy ng hangin at dami ng pananim, Spring ang kapanahunan ng kinaroroonan niya.
Walang ni isang tao ang nakikita niya kaya minabuti ni Lukas na tumayo at eksplorahin ang lugar.
Mag-isa siyang naglalakad at tila ba nanumbalik siya sa kanyang sariling mundo sa tanawin na nakanyang nakikita sa paligid.
Isang payak na kulay puti na T-shirt at kulay kahel na short lamang ang suot niya kaya ramdam niya ang maginaw-ginaw na dampi ng hangin sa kanyang balat at nalalanghap niya ang preskong hangin na siyang nagpangiti sa kanya.
Hindi niya alam kung nasaan siya, kaya matyaga siyang naglakad sa mala paraisong lugar.
Matapos ang ilang sandali, namataan niya ang isang kahoy na nasa tuktok ng isang mababang bundok at katabi nun ay isang maliit na lamesa na may dalawang upuan.
Nang makalapit siya sa kinaroroonan ng lamesa, nakita niya ang isang babae na may kulay puti na buhok. Meron rin itong kulay pilak na mga mata at maputi katulad ng nyebe na balat.
Mabilis namang napansin ng babae ang kanyang presensya at binigyan siya nito ng mainit na ngiti.
“Upo ka, Lukas.” Nakangiting paanyaya ng magandang babae sa kanya.
Nagulat si Lukas nang tawagin nito ang kanyang pangalan. Hindi niya ito kilala kaya nagtataka siya kung bakit alam nito ang kanyang pagkakakilanlan.
“Huwag kang mabahala, hindi ako masamang tao.” Malambing nitong ani.
May kung anong meron ang babae at nararamdaman ni Lukas na mabuti ito. Sa pakiramdam niya ay kilala niya ito, ngunit hindi niya matandaan kung saan niya ito nakasalamuha.
Nakita niya na iginiya ng babae ang kamay nito patungo sa silya na nasa harapan niya, kaya umupo roon.
“Anong tingin mo sa tanawin?” Tanong nito sa kanya saka tumingin sa kaliwa nito.
Nausyoso siya sa kung ano ang tinitignan nito kaya lumingon rin siya sa direksyon na iyon.
“Maganda at presko ang—Whoa!” Gulat niyang ani.
Hindi pala siya bumalik sa dati niyang mundo dahil ang nakikita niya ngayon ay ang buong glorya ng Kahariang Ura na hindi nababalutan ng nyebe.
“Iyan ang Kahariang Ura kapag nasa proteksyon ng force field na gawa ko.” Nakangiti nitong wika.
Mabilis na ibinalik ni Lukas ang kanyang tingin sa babaeng nasa harapan niya. “Gawa mo?”
“Yup, I made it. Pero hindi yan ang dahilan kung bakit ka nandito.” Sagot at pag-iiba nito ng paksa.
“English? Diba hindi alam ng mga taga Ura ang lengguwahang iyan?” Nagugulantang ani ni Lukas.
“Sa ngayon, oo. Tinuturing nilang ancient language ang English kaya kakaunti na lamang ang nakakaintindi nito ngayon.” Pagbibigay eksplinasyon nito sa kanya.
“Ah, kaya pala…” Napapatangong wika ni Lukas nang maalala niya na nakapagsabi si George na pamilyar ang English para rito.
“Ngayon, bibigyan kita ng kakaunting kaalaman sa kung ano-ano ang kaya mong gawin bilang Santo ng Kahariang Ura. Handa ka bang makinig?”
Agad naman tumango si Lukas rito. “Yes po.”
Ngumiti muna ang babae saka ito nagsimula.
“Bilang isang Santo, hindi lamang ang pag-aayos ng force field ang abilidad mo.” Paunang wika nito.
“Maari ka ring gumamit ng Healing. Ang Healing ay kakayahan para makagamot ng iba’t ibang uri ng sakit. Ngunit, nakadepende sa kung gaano karami ang Life essence na meron ka ang lakas ng Healing na magagawa mo.” Ani nito.
“Tandaan mo ito. Hindi mo kayang bumuhay ng patay. Ang kahulugan ng Healing ay pagpapagaling, hindi mo kayang galingin ang tao o hayop na binawian na ng buhay.” Pagpapaalala nito sa kanya.
“Naiintindihan ko.” Tugon niya rito.
“Sunod na kakayahan mo ay Buffing. Depende sa dami ng iyong Life essence ang lakas ng Buff na maaari mong ibigay.” Sunod nitong wika.
Taimtim lamang na nakinig si Lukas sa sinabi ng babae at ibinigay ang buong atensyon rito.
“Pwede mong itaas ng dalawang lebel ang core ng isang Uran kung ipopokos mo lamang ang iyong Buff sa iisang tao lamang. Pwede mo ring palawakin ang saklaw ng iyong Buff at empluwensyahan ang maraming mandirigma sa parehong panahon. Kung ganun naman ang gagawin mo, nasa pagpapalakas ng katawan, pandawa, at depensa lang ang magiging apekto nito.” Mahabang lintaya nito.
“Ano ba ang Life essence at saan ito nanggagaling?” Tanong ni Lukas sa babae.
Natigilan at medyo nagtaka ang kausap niya nang marinig nito ang tanong niya. Nakita ni Lukas na tila sinusuri siya ng babae at napatango ito ilang segundo ang lumipas.
“Hindi ka purong Santo, tama ba ako?” Tanong nito pabalik sa kanya.
Mabilis na naalerto si Lukas dahil roon, pero agad naman siyang pinakalma ng babae.
“Relax, wala lang yan sa akin.” Kaswal na wika nito.
Dahil dun ay muling tumuwid ng upo si Lukas at huminahon.
Tumikhim muna ang babae bago ito muling nagsalita.
“Bago ko sagutin ang tanong mo, tatanungin kita ulit.” Ani nito.
“Nahimatay ka matapos mong ayusin ang force field diba?”
Natatango naman si Lukas bilang tugon rito sabay sagot. “Oo.”
“Nawalan ka ng lakas at nahimatay pagkatapos ayusin ang force field dahil limitado lamang ang Life Essence na meron ka at ginamit lahat ng iyon ng force field.”
“Tignan mo kung ano yung nangyari.” Dagdag pa nito saka may kung anong iginuhit sa hangin.
Nabigla si Lukas nang may transparente na iskrin na lumabas sa kanyang harapan at ilang sandali pa ay nakita niya mula roon ang nangyari nung nahimatay siya.
“Tignan mo ng maigi ang katawan at itsura mo.” Rinig niya sabi ng babae.
Tinignan ni Lukas kung paano siya sinalo ni George nang bumagsak siya at gaya ng sabi ng babae ay itinuon niya ang kanyang atensyon sa kanyang katawan.
Napakunot na lamang ang kanyang noo nang makita niya kung papaano nawala ang kintab ng kanyang puting buhok hanggang sa unti-unting pagbalik nito sa kulay itim.
May salamin na ibinigay sa kanya ang babaeng kaharap at agad niya iyong kinuha.
“Hala.” Napapalaking-mata na turan ni Lukas nang makita niya na naging itim ang kanyang buhok pati narin ang kanyang mga mata.
“Ngayon, sasagutin ko na yung tanong mo.” Wika ng babae saka nito iwinasiwas ang kamay at sa isang iglap ay nawala ang transparenteng iskrin pati na rin ang salamin na kanyang hinahawakan.
“Ang Life essence ay natural sa isang Santo. Kayang itong likhain ng isang Santo sa pamamagitan lamang ng pagpapahinga at pagkain.” Wika nito.
“Ikaw, Lukas, hindi ka natural na Santo. Limitado lamang ang iyong Life essence at hindi mo rin kayang likhain ito.” Ani nito na nagpabahala sa kanya.
“Ang tanging paraan upang mapunan ang pangangailangan mo ng Life essence at magamit mo ang iyong mga kapangyarihan ay ang pagkuha mo ng Life essence galing sa iba.” Pagbibigay nito ng sagot sa kanyang problema.
Tumigil muna ng ilang saglit ang babae at tinignan siya nito gamit empatikong mga mata.
“Iyan ang konsekuwensiya ng pagiging hindi natural mo na Santo at kailangan mo itong harapin kung ipagpapatuloy mo ang paggamit ng kapangyarihan na hindi dapat sa iyo.” Nalulumbay nitong sabi.
Tanggap ni Lukas ang kanyang sitwasyon kung iyon ang katotohanan. Kaya sinuklian niya ng payak na ngiti ang babaeng kausap.
“Papaano ako makakakuha o makakahiram ng life essence galing sa iba?” Mausisang tanong niya rito.
Saglit na natigilan ang babae sa tanong niya. Pumikit ito habang nag-iisip at taimtim lamang na naghintay si Lukas sa magiging sagot nito.
“Iyan… ang hindi ko alam.” Nagdo-dobleng isip na wika nito.
“Hindi ka natural na pangyayari, Lukas. Hindi ko alam, pero parang may alam ako sa sitwasyon mo, pero hindi ko rin maalala. Hindi ko alam kung ito ba ang unang beses na nakasalamuha ako ng kagaya mo.” Dagdag pa nito.
Tumango na lamang si Lukas bilang tugon sa wika ng babae.
“Ang tanging maihahabilin ko sayo Lukas ay hayaan mo ang sarili mong gawin ang nais nito.”
Hindi napigilan na maikiling ni Lukas ang kanyang ulo sa narinig niya mula sa kausap.
“Instinto ng isang indibidwal na gumawa ng bagay na sa tingin niya ay makakabuti sa kanya, kaya hayaan mo ang katawan mong kumalap ng life Essence sa paraan na gusto nito.” Pagbibigay eksplinasyon nito.
Ngunit hindi parin maunawaan ng husto ni Lukas ang ibig sabihin ng babae, pero hindi rin naman siya makapagtanong rito dahil sabi nito kanina wala itong alam sa sitwasyon niya.
“Sa tingin ko, alam na ng Hari ng panahon na ito ang sitwasyon mo ngayon. Kaya wag ka masyadong mabahala.” Pampalubag-loob nitong wika.
Kahit na nakukulangan si Lukas sa sagot nito ay tinanggap niya parin iyon.
“Nauunawaan ko.” Payak niyang wika.
Mabilis na napalingon si Lukas sa kanyang kanang nang makaramdam siya ng dampi ng malamig na hangin sa kanyang braso.
“Huh?” Nagtataka niyang turan.
“Lukas, pwede mong hindi gamitin ang kapangyarihan mo para sa kanila.” Rinig niyang wika ng babae na nagpabalik sa atensyon niya rito.
“Nakikita kong mahirap ang pagdadaanan mo kung ipagpapatuloy mo ang paggamit ng iyong kapangyarihan.” Dagdag pa nito.
Hindi maiwasan ni Lukas na mapakunot ang kanyang noo sa naririnig niya sa babae.
“Ang pagkakaubos ng iyong enerhiya at ang pagkakahimatay mo, hindi lamang ito ngayon mangyayari. Kaya mag-isip ka ng mabuti.” Panapos na sabi nito.
Nararamdaman niyang nag-aalala ito para sa kanya, pero hindi niya maipaliwanag kung bakit nito nasabi ang sinabi nito.
Natigilan na lamang silang dalawa nang biglang umihip ng malakas ang hangin sa kinauupuan nila.
“Parang kailangan mo na atang gumising.” Malambing nitong ani.
Hindi na nagsalita muli si Lukas dahil sa dami ng tumatakbo sa kanyang isipan.
“Paalam, Lukas. Kung ano man ang magiging desisyon mo, sana mapapanindigan mo. Pero bilang isang Santo kagaya mo, nais ko sanang piliin mo ang mga Uran na nangangailangan ng kapangyarihan mo.” Wika nito.
Hindi parin nagsalita si Lukas at tinignan niya lamang kung papaano unti-unting tangayin ng hangin ang babaeng kanyang kausap.
“Bago ako tuluyang umalis, hayaan mo akong magpakilala sayo.”
Saka pa naalala ni Lukas na hindi niya pa pala kilala yung babae.
“Ako si Eros, ang unang Santo at Reyna ng Kahariang Ura.” Nakangiting sabi nito.
“WHAT?” Nagulantang niyang reaksyon.
Tatanungin niya pa sana ito, ngunit tuluyan nang nawala si Eros at iniwan siya nitong mag-isa sa bundok kung saan malaya niyang natatanaw ang kabuuan ng Kahariang Ura.
Habang pinagmamasdan niya ang magandang tanawin ay nakaramdam siya ng bigat sa kanyang mga mata.
Pilit niya iyon nilabanan dahil gusto niya pa sanang tignan ang kaharian, pero natalo siya nito kaya dumilim ang kanyang kapaligiran.
PAGBUKAS niya ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pamilyar na kisame.
‘Nasaan ako?’ Naaalimpungatan niyang tanong sa kanyang isipan.
“Mabuti naman at gumising ka na, Lukas.” Rinig niyang malalim na boses ni George.
Napalingon siya sa kanyang kanan at nakita niya ang malaking bulto ng katawan nito na nakaupo sa isang silya na nakapwesto malapit sa kanya.
“Gusto mo bang bumangon?” Tanong nito sa kanya.
Tumango lamang si Lukas bilang tugon rito.
Agad namang tumayo si George mula sa pagkakaupo nito at lumapit sa kanya.
Hindi maintindihang ni Lukas pero may kakaibang amoy na nanggagaling kay George nang mapalapit na ito sa kanya.
May kung anong nararamdaman siyang sumisibol mula sa kanyang tiyan nang malanghap niya ang amoy na iyon.
‘Huh?’ Naguguluhan niyang tugon sa kanyang isipan.
Ginamit ni George ang malalaki nitong braso para kapitan niya at inilagay nito ang kamay sa kanyang likuran bilang suporta sa pagbangon at pagsandal ng kanyang likod sa ulon ng kama.
Nang ilayo ng barako ang katawan nito mula sa kanya ay mabilis na kumalat sa kanyang katawan ang nararamdaman niyang init mula sa kanyang tiyan.
‘Anong nangyayari sa akin?’ Naaalerto niyang tanong sa kanyang isipan.
“Ge-org-e.” Nahihirapan niyang tawag ng pangalan nito.
‘Ang sakit ng lalamunan ko.’
Mabilis gumuhit ang pag-aalala sa mukha ng barako nang marinig nito ang paos niyang tinig.
“Teka lang, ikukuha muna kita ng tubig.” Ani nito saka ito mabilis na tumayo at umalis ng kwarto.
“Wa-ag.” Pagpipigil niya sana rito pero huli na dahil nakalabas na ito.
‘Anong nangyayari sa akin?’ Muling tanong ni Lukas sa kanyang isipan nang maramdaman niyang tila napapaso siya sa sarili niyang balat.
Nag-iiba ang kanyang paningin sa paligid at para bang may sumasapi sa kanyang ibang tao na hindi niya naiintindihan.
“Tamod.” Mahinang wika niya na ikinagulat niya.
‘Tamod?’ Naguguluhang ani niya sa kanyang isipan.
Nang dumapo ang kanyang tingin sa kanyang kandungan ay agarang lumaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang hulma ng kanyang naninigas na alaga.
‘What the fuck!’ Mura niya sa kanyang isipan habang ginagawan niya ng paraan para matago ang kanyang kahalayan.
Ilang sandali ay muling bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok roon si George na may dalang pitsel at baso.
Mabilis itong nagtungo sa maliit na kabinet na nasa tabi ng kami at binuhusan ng tubig ang basong dala nito.
“Tamod…” Mahina niyang wika.
‘No!’ Pagpipigil niya sa kanyang sarili.
Agad na napalingon si George sa dako niya at naglakad habang dala ang baso na may tubig.
“Uminom ka muna, Lukas.” Ani nito saka iginiya ang bukana ng baso sa kanyang nakangangang bibig.
Napapikit si Lukas nang umagos papasok sa kanyang bibig ang malamig na tubig at agad niya iyong ininom para maibsan ang init na kanyang nararamdaman.
Nang maubos na niya ang laman ng baso ay hinihingal si Lukas. Hindi dahil sa pagkakawala ng hininga, kundi dahil sa init na komokotrol sa kanya.
“Sana mapatawad mo ako, George.” Wika niya sa mabilis na hinawakan ang magkabilang pisngi ni George at hinalikan ito.
END OF KABANATA 4