VERDANTIA SERIES
“SEKRETO NG KAHARIAN SA HILAGA”
Written by: Cxhase02
•••
KABANATA 3
HARI NG URA
•••
“Binabati ko ang araw ng Kahariang Ura.” Rinig niyang pormal na bati ni George sa pumasok na lalaki. Nakalagay ang nakayukom nitong kamay sa ibabaw ng kaliwa nitong dibdib habang nakayuko ang ulo.
‘Araw ng Kahariang Ura?’ Naguguluhang tanong ni Lukas sa kanyang isipan habang nag-aalangan siyang tumayo at hinarap ang lalaking kakapasok lang sa silid.
Makarisma at may bahid ng sopistikasyon ang bawat hakbang nito habang nakabalot ang buong katawan nito—hindi nasasali ang ulo—sa bakal na pananggalang.
Tumigil ito sa kanyang harapan at klaro sa tindig nito ang kapangyarihan at karangyaan.
Habang suot ang isang maingat na ngiti, inabot nito ang kanang kamay nito na balot sa bakal saka nagsalita gamit ang malalim nitong boses.
“Magandang bati, Santo. Ako si Grey, Hari ng Kahariang Ura.” Pagpapakilala nito.
‘Hari?!’ Nawindang na usal ni Lukas sa kanyang isipan.
Mabilis niyang tinanggap ang naghihintay na kamay nito saka siya nakipagkamay rito.
‘Ang lamig ng kamay.’ Hindi mapigilang komento ni Lukas sa kanyang isipan nang dumampi ang kanyang palad sa bakal na suot nito.
“Lukas Flores po, Sir.” Pagpapakilala niya rin rito.
Habang nakikipagkamayan sila ay sa isa’t isa ay nagulat si Lukas nang biglang bumagsak sa tuhog nila ang dalawang armadong lalaki na nasa likuran ni Haring Grey.
Bibitawan niya sana ang kamay ng Hari dahil napaatras siya sa nakita, ngunit hindi nito hinayaang mapalayo siya.
Nakipagtitigan siya bughaw na mga mata ni Haring Grey at nakita ang suot nitong ekspresyon na tila ba may hinihintay na mangyari.
‘Ha?’
Muli niyang ipinako ang kanyang tingin sa dalawang lalaki na nasa likuran nito at nakita niyang nanginginig ang katawan ng dalawa at tila ba kinakapos ng hininga.
Ibinaling rin niya ang kanyang tingin kay George at napansin niya na nanginginig ito habang matulis na nakatingin sa dako ng Hari.
‘Anong nangyayari?’ Naguguluhang tanong ni Lukas sa kanyang isipan.
Sa lahat ng tao sa silid, siya at ang Hari lamang ang hindi naaapektuhan sa kung ano man ang nagpapahina sa tatlong kasama nila.
Muling napatingin si Lukas kay Haring Grey ang kanyang atensyon nang narinig niya itong mahinang napahagikhik.
Agad na sumeryoso ang mukha nang magkatinginan sila, pero nababasa niya mula sa mga mata nito ang galak na tila ba may makompirma ito.
‘Huh?’ Nagtatakang ani ni Lukas sa kanyang isipan.
Nang gumuhit ang malaking ngiti sa labi ng Hari ay saka mabilis na bumuti ang kalagayan ng dalawang lalaki sa likod nito at ni George.
‘Ano ba talaga ang nangyayayari?’ Naikiling na lamang ni Lukas ang kanyang ulo dahil sa pagtataka.
Nang bitawan ni Haring Grey ang kanyang kamay ay muli itong nagsalita.
“Pasensya ka na. May gusto lamang akong malaman.” Payak na wika nito.
Agad namang itinaas ni Lukas ang kanyang mga kamay para ikaway iyon ng mabilis saka nagsalita. “Okay lang po, Sir.”
‘Hindi ko nga alam kung ano yung ginawa mo eh.’ Sunod niya sa kanyang isipan.
“Mabuti naman kung ganun.” Nasisiyahang ani nito.
Natahimik sila ng saglit at iyon ang ginawang hudyat ng lalaking kaharap niya para bigyan ng utos ang dalawang lalaki na nasa likuran nito.
“Iwanan niyo na kami Harold at Christian.”
“Masusunod po.” Sabay na tugon ng dalawa saka naglakad papalayo at lumabas ng silid.
Matapos marinig ang pagsarado ng pinto ay naglakad at naupo si Haring Grey sa pwesto ni George kanina at nanatili ang huli na nakatayo katabi nito.
Kinuha niya rin iyong tyempo para umupo ulit sa pwesto niya kanina.
“Alam kong marami kang tanong, Lukas. Pwede mo sa akin itanong ang mga nasa isip mo at gagawin ko ang aking makakaya na sagutin lahat ng iyon.” Panimula ni Grey habang suot ang malumanay na ngiti.
‘Okay, ito na yung panahon.’
Huminga muna ng malalim si Lukas habang iniisip niya kung ano ba ang dapat niyang unahing itanong.
‘Wala naman sigurdong time limit.’ Wika niya sa kanyang isipan.
“Umm… Sino po kayo, Sir?” Nag-aalangan niyang tanong rito.
“I mean, hindi po yung mga pangalan niyo yung gusto kong malaman, yung sino po kayo in general.” Pagbibigay klaro niya sa kanyang tanong.
Nakita naman ni Lukas na medyo napakusot ng konti ang mga mata ni Haring Grey nang marinig nito ang sinabi niya.
“Bago ko sagutin yung tanong mo, gusto kong malaman kung ano yung kahulugan ng ‘I mean’ at ‘in general’.” Wika nito pabalik.
‘Ay oo nga pala. Hindi pala sila marunog mag-english rito.’ Natauhan niyang ani sa kanyang isip.
“Teka lang… ‘I mean’ ay nangunguhulugang gusto kong ipabatid. Yung ‘In general’ naman ay yung kabuuan.” Pagbibigay niya ng eksplinasyon.
‘Okay, no more English self.’ Pagpapaalala niya sa kanyang sarili.
“Lengguwaheng English yung ginamit niya, Grey.” Singit ni George sa usapan nila.
“Ah, ganun pala…” Napapatangong ani ni Grey.
‘Grey lang?’ Napukaw ang interes ni Lukas nang mapansin niya ang interaksyon ng dalawa.
“Sa kabuuan, kami ay mga Uran. Uunahan na kita, nandito ka ngayon sa Kahariang Ura na nasa Hilaga at kaming mga taga rito ay tinatawag na mga Uran.” Sagot at pagpapaliwanag ni Haring Grey sa tanong niya.
‘Uran… Aura?’ Pagkokonekta ni Lukas sa kanyang isipan.
“Ano po yung Aura?” Sunod niyang tanong rito.
Natahimik muna ng ilang sandali ang Hari habang tinitignan siya nito ng mabuti. Matapos ang ilang sandaling pag-iisip ay saka pa ito nagsalita.
“Walang kahit anong porma ng kapangyarihan sa pinanggalingan mo, tama ba ako?” Tanong nito pabalik sa kanya.
Mabilis namang tumango si Lukas bilang tugon roon.
“Medyo malaking usapin ang Aura, kailangan mo siyang pag-aralan para labis mong maintindihan. Pero para sa ngayon, ito ang kailangan mong malaman.” Pauna nito.
“Ang Aura ay ang manipestasyon kung gaano kalakas ang aming core. Natatangi sa aming mga Uran abilidad ng paggamit nito. Aura ang dahilan kung bakit kami nakakagamit ng kapangyarihan na nakalinya sa elemento na meron kami at ang pinakapayak na gamit nito ay ang pagpalalakas ng aming katawan.” Mahabang pagpapaliwanag ng Hari sa kanya.
“Nakita ko na nagulat ka sa pagpapainit ko sa tubig na ginamit mo kanina. Yung ginawa ko kanina ay ang pagpapalabas ng elemento kong apoy. Medyo komplikadong gawin iyon kung mahina pa ang core ng isang Uran.” Dagdag naman ni George.
“Yung elemento ko naman ay yelo.” Wika rin ni Haring Grey matapos magsalita si George.
Napatango na lamang si Lukas habang nakikinig at inaasimili niya ang mga impormasyong nakakalap niya sa dalawa.
“Naiintindihan ko po sa ngayon. Salamat.” Payak na wika niya saka siya naglahad ng susunod na tanong.
“Ako. Ano ako rito sa Kahariang Ura?” Tanong niya habang nilalagay ang palad sa ibabaw ng kanyang dibdib.
Napangiti na lamang si Haring Grey sa kanya nang itanong niya iyon.
“Ikaw Lukas ang Santo ng Kahariang ito.” Walang pagdadalawang-isip na turan nito.
“Pasensya ka na kung tinawag ka namin ng walang pahintulot, sadyang nasa matinding krisis ang aming kaharian kaya nagawa naming mangahas sa iyo.” Paghingi nito ng paumanhin.
Hindi na muna pinansin ni Lukas ang nalulumbay na tuno ni Haring Grey dahil mas importanteng maintindihang niya kung ano ba talaga ang papel niya sa lugar na ito.
“Paano niyo po nasasabi na ako ang Santo na hinahanap niyo? Sigurado po ba kayong hindi kayo nagkamali, dahil ni isang bagay ay wala akong alam sa kung ano ang meron sa isang Santo.” Mahabang lintaya niya.
Hindi niya man ipakita sa kanyang mukha, pero desperado siyang itama ang paningin sa kanya ng dalawa.
‘What if wala pala sa akin yung kakayahan na hinahanap nila?’ Nababahalang ani ni Lukas sa kanyang isipan.
Napakunot na lamang ang noo niya nang marinig niya ang mahinang hagikhik galing sa lalaking kausap.
Ngunit hindi nagbago ang kanyang ekspresyon habang pinapanood ang nakangiting mukha nito.
Mabilis namang tumila ang tawa nito nang makita ang seryoso niyang mukha at tumikhim muna bago muling nagsalita.
“Hindi mo pa ba nakita ang sarili mo?” Tanong nito pabalik sa kanya.
“Anong meron sa itsura ko?” Naguguluhang tanong niya rito.
Hindi na naghintay pa ng utos at mabilis na umalis si George sa tabi ni Haring Grey. Ilang sandali pa ay bumalik ito habang dala ang isang salamin.
“Tignan mo ang sarili mo sa salamin para maintindihan mo.” Wika ng Hari habang inaabot ni George sa kanya ang salamin.
Agad iyong kinuha ni Lukas at itinuon sa kanyang sarili.
Mabilis na lumaki ang kanyang mga mata sa gulat nang makita niya ang kanyang sarili sa salamin.
“O.M.G.” Napapanganga niyang wika.
‘Ako ba ito?’ Hindi makapaniwalang tanong niya habang hinahawakan ang sariling mukha.
Tila ibang tao ang kanyang nakikita at hindi ang kanyang sarili.
Mula sa kulay itim na buhok, naging puti na may kapansin-pansing kinang iyon. Mula sa kulay na itim na mga mata, naging kulay pilak ang mga ito. Ang pinakamalaking pagbabago sa kanyang kaanyuan ay ang pag-iba ng kulay ng kanyang sariling balat. Mula sa pagiging kayumanggi ay pumuti nang husto ang kanyang kutis.
‘Bakit ngayon ko lang napansin na hindi na pala ako kayumanggi?’ Hindi niya makapaniwalang tanong sa sariling isip.
Hindi niya nagawang mapansin iyon kanina dahil sa buong panahon na nakikita niya ang kanyang katawan ay nasa presensya siya ng manilaw-nilaw na ilaw na galing sa apoy.
Hindi di kuryenteng bumbilya ang gamit ng mga gusali bilang pagpalinawag sa paligid, kundi mga sulo.
“Base sa iyong itsura, walang pag-aalinlang na ikaw ang Santo ng kahariang ito, Lukas.” Wika ni Grey na nagpabalik ng kanyang atensyon rito.
Napahinga na lamang siya ng malalim saka sumang-ayon rito. “Oo, nakikita ko na kung bakit ngayon.”
Tahimik na inilagay ni Lukas ang salamin sa kanyang kandungan bago siya muling nagtanong.
“Ano ang tungkulin ko rito sa kaharian niyo bilang Santo?”
Muling napaisip saglit si Grey sa sunod niyang tanong bago siya nito bigyan ng sagot.
“Bigyan kita ng kasaysayan ng aming kaharian para mas madali mong maintindihan ang nais kong ipabatid.” Ani nito.
Tumango lamang si Lukas bilang pagsang-ayon sa sinabi ng Hari.
“Ang Kahariang Ura ay nasa Hilaga. Ang Hilaga ay kilala sa mapaminsala nitong taglamig at panganib na nanggagaling sa itim sa kagubatan na hindi nalalayo rito.” Paunang wika nito.
“Sa kabutihang palad ay biniyayaan ng Diyosa ang aming mga ninuno at binigyan kami ng banal na tao na binigyang kapangyarihan para protektahan ang mga Uran. Ang taong iyon ay nagtayo ng espesyal na force field para maprotektahan ang kaharian laban sa mapaminsalang panahon at itaboy ang mga masasamang loob na lumalabas galing sa itim na kagubatan.” Pagpapatuloy nito.
“Ngunit, ang force field na itinayo ng kauna-unahang Santo ay hindi permanente at paglumipas ang isandaan taon ay kailangan itong muling pagtibayin ng isa na namang Santo na mabibiyayaan ng kapangyarihan na iyon.”
“Kada isandaan taon, merong isang babae na mabibiyaan ng kapangyarihan para punan ang pangangailangan ng force field. Pero, sa panahon namin ngayon, lumipas na ang halos tatlong buwan ay hindi parin dumadating ang susunod na Santo.” Paglalahad nito ng suliranin.
“Gaya ng aming inaasahan, ang force field ay unti-unti nang natitibag at nanghihina. Na naging dahilan ng pagpasok ng malamig na hangin sa kaharian at paglapit ng iba’t ibang delikadong nilalang mula sa itim na kagubatan.”
Huminga muna ng malalim si Haring Grey bago ito nagpatuloy.
“Dahil sa delikadong sitwasyon, naging desperado na kami ni George, kaya naghanap kami ng ibang paraan para mapunan ang aming pangangailangan. Sa kabutihang palad ay gumana ang summoning ritual na aking nabasa sa isang libro at naipadala ka rito para maging Santo ng kahariang ito.”
Bago nagpatuloy si Grey ay umalis ito sa pagkakaupo at ibinaba ang isang tuhod sa sahig. Sinundan rin naman ito ni George at pareho silang dalawang nakaluhod habang nakaharap sa kanya.
“Sa ngalan ng Kahariang Ura, ako si Haring Grey, nangmamakaawa kami sa iyo na gamitin mo ang iyong kapangyarihan para pagtibayin ang force field ng kaharian namin.”
Agad namang napatayo si Lukas sa kanyang kinauupuan.
“No no, wag wag. Hindi niyo na kailangan gawin iyan Haring Grey at Sir George. Naiintindihan ko ang sitwasyon ninyo kaya tumayo na kayo, please lang.” Mabilis niyang wika.
Nakipagtitigan muna si kanya si Haring Grey at ipinakita niya rito na seryoso siya sa kanyang sinabi kaya sumang-ayon ito at muling bumalik sa pagkakaupo.
Napahinga naman ng malaki si Lukas nang bumalik na sa dating posisyon ang dalawa kaya muli na rin siyang umupo.
Hindi agad nakapagsalita si Lukas sa dahil sa bigat ng impormasyong nalaman niya.
“Bago ako magbigay ng tugon sa inyong hiling, gusto ko sanang muling magtanong.” Wika niya.
“Sige lang, sasagutin ko kahit anong tanong pa iyon.”
“Anong mangyayari kung tuluyan nang mabitak yung force field?”
Kahit na meron nang ideya si Lukas sa kung ano yung mangyayari, gusto niya paring malaman mula mismo sa Hari ng Ura ang sagot roon.
“Malalagay sa peligro ang Kahariang Ura. Pinakamasama, mauubos kaming mga Uran.” Payak nitong sagot.
Kahit na simple lang ang ginamit niyang salita ay ramdam ni Lukas ang bigat nun.
“Sabi mo kanina, merong Santo na lilitaw kada isandaan taon at naantala lang ang pagdating nito ngayon. Kailangan ko bang umakto bilang Santo hanggang sa dumating na yung babaeng nararapat sa pwesto ko?” Pagkaklaro niya.
“Oo, tama ang iyong sinabi.” Agad namang tugon ni Haring Grey.
May isang malaking tanong na sumagi sa isipan ni Lukas. Napakagat na lamang si sa pang-ibabang labi niya bago niya iyon isinaboses.
“Ano ang mangyayari sa akin kapag dumating na ang nararapat na Santo?” Seryoso niyang sa Hari.
“Sa ngalan ko, ipinangangako ko na gagantipalaan kita ng malaking yaman kapag bubuti na ang sitwasyon ng kaharian. Tatanggapin ka namin bilang parte ng aming lahi at ituturing na isang mamamayan na may malaking kontribyusyon sa kahariang ito. Ilalagay ka namin sa histroya para maipasa sa susunod na henerasyon ang pangalan kasama na yung nagawa mo para sa kahariang ito.” Seryoso at puno ng dedikasyong wika ng kanyang kausap.
Pumikit muna saglit si Lukas at huminga ng malalim bago siya muling nagsalita.
“Sige, pumapayag ako. Gagawin ko ang tungkulin ng isang Santo hanggang sa dumating na ang taong nararapat sa posisyon ko.”
Agad na lumiwanag ang mukha ng dalawang barako sa kanyang harapan. Tila ba nahimasmasan ang mga ito mula sa napakalaking balakid na pasan sa mga balikat.
“Maraming salamat, Lukas. Tatanawin ko itong isang utang na loob na kahit kailan hinding hindi ko mababayaran.” Nakangiting ani ni Grey.
“Huwag niyo na po masyadong isipin iyan, Haring Grey. Ginagawa ko lang ang tungkulin ko.” Agad na pagdidismisa niya sa sinabi nito.
“Pakiusap, tawagin mo lang akong Grey. Sapat na iyon.”
Tinignan na muna ni Lukas ang ekspresyon nito at nakita niyang seryoso ito sa sinabi.
“Umm… Susubukan ko po… Grey.”
Matapos ang ilang sandaling pagbubunyi ng dalawa ay muling humarap ng maayos ang mga ito sa kanya.
“Pasensya ka na Lukas. Alam kong kakarating mo lang sa lugar na ito, pero kailangan ka na naming dalhin kung saan naitukod ang force field sa lalong madaling panahon.” Wika ni George.
“Sige.” Pagsang-ayon niya roon.
--
“Handa ka na ba?” Tanong ni Grey na nakaupo sa katapat niyang upuan.
Kasalukuyan silang nakasakay sa isang kalesa papuntang Silangan kasi nandoon daw ang estatwa na magiging daan upang magamit niya ang kanyang kapangyarihan.
“Handa na po.” Agad niyang tugon rito.
Sumenyas naman ang Hari sa malapit na lalaking nakasuot ng baluti na nakasakay sa kabayo.
Pansin ni Lukas na malaki kung ikukumpara sa pinanggalingan niya ang mga kabayo na gamit ng mga Uran.
‘Ano kaya ang breed ng mga kabayo rito?’ Mausisa niyang tanong sa kanyang isipan.
Ilang sandali pa ay nagsimula na silang maglakbay at habang nasa byahe ay hindi mapigilan ni Lukas na mamangha sa nakikita niyang maliit na parte ng Kahariang Ura.
‘Makakapunta kaya ako roon?’ Tanong niya sa kanyang isipan habang pinagmamasdan ang nakausling kaharian sa likod ng mataas na bakod na yari sa bato.
“Wag kang mag-alala, kapag natapos na ang suliranin ng force field ay malaya kang libutin ang buong kaharian.” Sabi ni Grey na nagpatingin sa kanya rito.
“Maraming salamat po.” Nakangiting pasasalamat niya rito.
Habang tumatakbo ang kalesa ay walang ibang ginawa si Lukas kundi ang tumingin sa labas at bigyang papuri ang tawing kanyang nakikita.
Napakaraming pine trees na binalutan ng manipis na nyebe at nakakita rin siya ng ilog na naging yelo dahil sa lamig.
Sumilay ang ngiti sa mukha niya nang makita niya si George na sumasakay ng kabayo na di kalayuan sa pwesto nila.
May suot na rin itong baluti at may nakakabit na espada sa bewang nito.
Mabilis naman siyang napansin nito at ginabayan ang sinasakyang kabayo papalapit sa kanya.
“Baka malamigan kayo ng Hari, isarado mo nalang yung bintana.” Seryosong ani nito.
“Hayaan mo lang siya, Grandmaster. Hindi naman ako naaapektuhan ng lamig.” Sabat naman ni Grey.
“Balita ko maliit lang ang resistensya mo sa lamig, Lukas. Kaya mas mabuti siguro na isarado nalang natin yung bintana.” Sunod naman nitong wika.
“Mabuti na kung ganun, Iyong Kamahalan.” Magalang na pagsang-ayon ni George rito.
Wala namang ibang nagawa si Lukas kundi ang hayaan si George na isara nito ang bintana nila mula sa labas.
Nang maisarado na iyon ay naupo na lamang siya ng maayos sa kanyang upuan at tinignan si Grey na tahimik lang rin na nakatingin sa kanya.
Kanina pa napapansin ni Lukas na pormal ang pakikitungo ni George kay Grey kapag nasa labas sila, pero kung walang taong kasama ay kaswal lamang ang pakikitungo nila sa isa’t isa.
“Kababata ko si George kung yan ang nasa isipan mo.” Ani ni Grey na gumulat sa kanya.
‘Isa rin ba sa kapangyarihan ng mga Uran yung pagbasa ng isip?’ Hindi maiwasang wika ni Lukas sa kanyang isipan.
“Hindi kami nakakabasa ng isipan, yung mga salamangkero sa Sentrong Kontinente lang ang merong ganyang kakayahan.” Sunod naman nitong sabi.
‘WHAT THE! Siguro nagsisinungaling lang ‘to.’
“Pangako, wala akong ganyang abilidad. Nababasa ko lang sa mga reaksyon mo yung iniisip mo.” Mabilis naman nitong pambabara sa kanyang iniisip.
Mabilis namang napatakip si Lukas sa kanyang mukha nang marinig niya ang sinabi ni Grey.
‘Jusko, kaya naman pala.’ Naiinis sa sarili niyang wika.
--
“Wag kang lalayo sa akin o sa Grandmaster, Lukas.” Seryosong turan ni Grey habang bumababa siya galing sa karwahe.
“Sure. Ay! Sige.” Kinakabahang tugon niya rito saka niya binitawan ang kamay nito na sumuporta sa kanyang pagbaba.
Hindi maiwasan ni Lukas na pangbilisan ng tibok nang kanyang puso dahil sa nerbiyos.
‘What if hindi ko mailabas yung power ko?’ Kinakabahan niyang tanong sa sarili.
Agad naman siyang napatingala nang may mainit na kamay ang tumabon sa kanyang dalawang palad na nakalingkis sa kanyang harapan.
“Ikalma mo lang yung sarili mo, Lukas. Nandito lang kami.” Wika ni George habang suot ang isang malumanay na ngiti.
Nilakasan at nilaliman niya ang kanyang paghinga upang mapakalma niya ang kanyang sarili. Nang maramdaman na niya ang pagpirmi ng pintig ng kanyang puso ay saka siya ngumiti pabalik rito.
“Salamat, George.”
Tumango lamang ito sa kanya bilang tugon.
Ilang sandali ang lumipas ay nagsimula na silang maglakad patungo sa estatwa na sinabi nila. Habang papalapit sila sa lugar ay siya ring unti-unting pagbalik ng kanyang nararamdamang nerbiyos.
Tahimik na napapanganga si Lukas sa nakikita niyang tanawin sa paligid nila.
‘Dugo.’ Mabilis niyang pagkilala sa kanyang nakita.
Maraming nanunuyong dugo na pumipinta ng itim, berde, at pula sa maputing nyebe ang nakakalat sa paligid. Merong ring mangilan-ngilang katawan ng malalaking hayop ang nakita niyang nakahandusay sa paligid.
“Wag kang matakot, Lukas. Nandito kami para protektahan ka.” Rinig niyang boses ni Grey na nasa tabi niya.
“Hindi ka namin hahayaang masaktan kaya wag kang mabahala.” Pagsang-ayon naman ni George rito na nasa kabilang tabi niya rin.
Habang naglalakad sila ay nakita ni Lukas ang isang estatwa ng isang babae na nakaluhod na tila ba nagdadasal.
Yari ito sa bato at ramdam niya ang kakaibang awra na nanggagaling roon.
“Iyan ang estatwa ng kauna-unahang Santo ng Kahariang Ura. Iyan ang magiging daan para magamit mo ang iyong kapangyarihan.” Wika ni Grey na nagpatango sa kanya.
Habang papalapit sila sa estatwa ay tila ba nahihipnotismo si Lukas rito. Nararamdaman niya na hinihila siya nito palapit na siyang hindi niya pinigilang gawin nito.
‘Come.’ Marahan na wika ng isang boses.
Tila ba pamilyar siya sa boses na iyon. Kaya hindi niya nakontrol ang kanyang katawan at naglakad siya palapit sa estatwa habang nakapukos lamang rito.
‘No need to be afraid.’ Muling ani nito nang maidampi na niya ang kanyang paa sa semento na kinatatayuan ng estatwa.
Clang! Clang!
Mabilis na nawala si Lukas sa kanyang pagkakahipnotismo nang marinig niya ang malakas na tunog ng pakikipaglaban.
‘HALA!’ Gulat niyang turan sa kanyang isipan habang pinagmamasdan ang madugong labanan na nangyayari paligid sa kanya.
Hindi niya mabilang ang napakaraming higanteng lobo na na tinataboy at nilalabanan ng lahat ng mandirigmang kasama niya.
Kitang-kita niya ang apoy na may iba’t ibang kulay na bumabalot sa buong katawan nila Grey, George, at iba pang mga mandirigma habang nakikipaglaban ang mga ito.
Merong kulay kahel (orange), makahel na dilaw (orange-yellow), dilaw (yellow), at makahel na puti (yellowish-white).
Natigilan si Lukas sa kanyang ginagawa at agad nilalamon siya ng takot.
‘Ito na ba ang katapusan ko?’ Hindi niya mapigilang tanong sa kanyang isipan.
‘Ito pa nga ang unang araw ko rito, matatapos na agad yung buhay ko? Ang unfair naman.’ Naluluha niyang ani.
Nanginginig si Lukas habang nakatayo dahil sa tanang buhay niya ay hindi siya nakaranas na mapaaway sa kapwa kaya wala siyang alam sa pakikipaglaban o pagprotekta sa kanyang sarili.
Napansin niya rin kanina ang panghihina ng kanyang katawan na tila ba nakulangan ang pisikal na kakayahan niya na siyang dumagdag sa pagkakabahala niya.
‘Malapitan lang ako ng isang lobo, talaga mawawala na ako sa mundong ito.’
Tila ba tinawag niya ang kanyang kapalaran. Dahil sa oras na naisip niya iyon ay merong nakakita sa kanya na isang lobo na dikalayuan sa kanya.
Mas lalong nangamba si Lukas nang makita niya na tinititigan siya gamit ang itim na itim na mga mata nito na tila ba isa siyang pagkain.
“HAA!!” Hindi niya mapigilang hiyaw nang makita niyang tumakbo ito patungo sa kanyang direksyon.
‘OHMYGODDD!!!’ Histerikal niyang sigaw sa kanyang isipan habang napapaatras siya sa kanyang kinatatayuan.
“LUKAS!” Rinig niyang tawag sa kanya ni George.
“AHHHH!!” Napapapikit niyang sigaw.
Matapos ang ilang sandali ay naramdaman ni Lukas ang isang presensya sa kanyang harapan kaya agad na naputol ang kanyang paghinga.
“Lukas, ako ito. Huminga ka ng maayos.” Rinig niyang malalim na boses ni George.
Agad na ibinuka ni Lukas ang kanyang mga mata at nakita niya ang mukha ni George na merong bahid ng itim na dugo.
Mabilis na lumaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita.
“Hindi ito akin.” Agad nitong ani na nagpatila sa takot na kanyang nararamdaman.
“Kami na ang bahala sa mga lobo. Ituon mo lang yung atensyon mo sa estatwa para magamit mo na yung kapangyarihan mo.” Seryosong wika nito sa kanya.
“Wag kang matakot, nandito kaming lahat para protektahan ka.” Paninigurado nito sa kanya.
Kitang-kita ni Lukas sa mga mata ni George na seryoso at sigurado ito sa sinasabi nito kaya nabigyan siya nito nang siguridad.
Huminga muna si Lukas ng malalim bago siya tumugon.
“Naiintindihan ko.” Payak niyang wika saka siya muling tumayo ng tuwid.
“Babalik na ako sa mga kasamahan ko.” Ani nito saka siya muling iniwang mag-isa.
Nang tuluyan nang makalayo si George ay humarap si Lukas sa estatwa ng unang Santo.
“Isa akong Santo. May magagawa ako para sa sitwasyong ito na hindi magagawa ng iba.” Nilalakasang loob na sambit ni Lukas.
“Ano pa nga yung steps para sa ritwal?” Tanong niya sa kanyang sarili saka inalala ang sinabi ni Grey sa kanya nung nasa loob pa sila ng kalesa.
‘Kailangan mong lumuhod sa harapan ng estatwa at tabunan mo gamit ang dalawang palad mo ang nagdadasal nitong mga kamay. Kapag nagawa mo na iyon, ipikit mo ang iyong mga mata at sabihin mo ang mga katagang ito…”
Ginawa niya ang mga hakbang ayon sa naalala niyang sabi ni Grey.
‘… Goddess of Ura, heed this prayer. Let me be the vassal of your power and use me to strengthen the force field. This I pray, please hear me.’
“Goddess of Ura, heed this prayer. Let me be the vassal of your power and use me to strengthen the force field. This I pray, please hear me.” Taimtim na dasal ni Lukas habang nakapikit.
Agad niyang naibuka ang kanyang mga mata nang maramdaman niya ang pagdaloy ng init mula sa kanyang palad papunta sa kanyang buong katawan.
Ilang sandali lang ay may kung anong ilaw na nagsisimulang suminag sa kanyang mga kamay.
‘Anong nangyayari?!’
Palakas iyon ng palakas hanggang sa tuluyan na nga siyang nasilaw roon kaya pwersahan siyang napapikit.
3RD POV
Habang nakaluhod si Lukas ay meron pwersang dumaloy mula kinaluluhuran niya papunta sa paligid.
Lahat ng lobong natamaan ng pwersang iyon ay agarang natumba at binawian ng buhay.
Mabilis namang napatingin sila Haring Grey, Grandmaster George at iba pang mga mandirigma sa kinaroroonan ni Lukas at nakita nilang nakaluhod ito habang nakapikit.
Agad nilang itinabon ang kamay nila sa kanilang mga mata dahil sa napakalakas na ilaw na nanggagaling sa kinaroroonan ni Lukas.
Ilang sandali pa ay gulamaw ang malakas na liwanag at napatingala silang lahat para sundan ang paroroonan nun.
Naging parte ang dumadaloy na ilaw ng force field at nakita nilang lahat kung papaano maayos ang mga bitak sa roon na siyang nagpabalik nito sa dati nitong estado.
“YEEYYY!!”
“WHAAA!!”
“SA WAKAS!!”
Hiyaw ng mga mandirigma sa paligid nang sa wakas ay naayos na ang force field na pumuprotekta sa kanilang kaharian.
LUKAS’ POV
Ibinuka ni Lukas ang kanyang mga mata nang marinig niya ang sari-saring hiyaw ng mga lalaki na hindi nalalayo sa kanya.
Nang tignan niya ang kanyang paligid ay nakita niya ang mga mandirigmang nagyayakapan at tumatalon sa saya habang nakatingala.
Lahat ng mga lobong kalaban ng mga ito ay walang buhay na ring nakahandusay sa lupa.
‘Success ata yung ritwal.’
Mabagal siyang tumayo mula sa kanyang pagkakaluhod nang makita niya sila George at Grey na suot ang malaking ngiti na naglalakad palapit sa kanya.
Nang makatayo na siya nang mabuti ay biglang nag-iba ang kanyang pakiramdam.
‘Huh? Anong nangyayari?’ Naguguluhan niyang tanong sa kanyang isipan.
Mabilis na nawala ang lahat ng lakas sa kanyang katawan at kita ni Lukas ang paglibot ng kanyang paningin at ang mabilisang pagdilim ng kanyang paligid.
Ang huling narinig na lamang niya ay ang natatarantang sigaw ni George saka siya nawalan ng malay.
“LUKAS!”
End of KABANATA 3
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento